PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trike driver inutas ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Patay ang 43-anyos na trike driver matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang namamasada sa Barangay San Jose, Vigan City sa Ilocos Sur noong Martes.
 Sa police report na nakarating kay P/Supt. Marlo Castillo, hepe ng Vigan City police station, isinugod ng mga sumaklolo sa Northside Doctors Hospital sa bayan ng Bantay ang biktimang si Eugene Mauricio subalit hindi na ito umabot ng buhay matapos mapuruhan ng bala sa ulo. Base sa tala ng pulisya, nasa drugs watchlist ang biktima subalit tumangging sumawsaw sa Oplan Tokhang noong 2017. 
Ayon pa kay Castillo, nasangkot din si Mauricio sa kaso ng pagpatay noong 2009 subalit na-dismiss ng korte ang kaso matapos makipag-areglo sa mga kaanak ng kanyang biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: