^

Probinsiya

3 utas sa car crash

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Tatlo-katao ang sumalubong kay kamatayan habang isa pa ang kritikal matapos salpukin ng kanilang kotse ang umaatras na trak sa kahabaan ng highway sa Barangay Guimod, bayan ng Bantay, Ilocos Sur sa unang araw ng simbang gabi kahapon ng madaling araw. Idineklarang patay sa pagamutan si Antonio Pamo na drayber ng bumanggang Nissan Sentra (URE 790) at mga pasaherong sina Jaymark Pamo at Rudolph Valentino Sistoza habang patawirin naman si Wilson Domenden. Sinasabing pauwi na sa kanilang bayan sa San Ildefonso ang mga biktima nang makasalubong si Kamatayan dakong alas-2:30 ng madaling araw. Agad namang dinakip ng mga rumespondeng pulis ang drayber ng trak na si Marlon Brando Nieto ng bayan ng Dingras matapos ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with