^

Probinsiya

Matansero inutas sa birthday party

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines  —  Nabahiran ng dugo ang pagdaraos ng birthday party makaraang barilin ang 46-anyos na matansero ng kanyang pinsan sa Sitio Langka, Barangay Concepcion Banahaw sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa tama ng bala sa kanang tagiliran ang biktimang si Dominador Mayor habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Mario Mayor. Ayon sa pulisya, nakikipag-inuman ang dalawa sa iba pa nilang kaanak subalit nang malasing ay nauwi sa mainitang pagtatalo dakong alas-9 ng gabi. Sa gitna ng pagtatalo ay binoga ng suspek ang biktima na sinasasabing lango na sa alak. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong homicide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with