^

Probinsiya

Hired killer todas sa shootout

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Napatay ang isa sa dalawang hired killer makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Legazpi City, Albay noong Miyerkules ng hapon.

Napuruhan sa dibdib si Marlon Magsino ng Barangay San Andres, Malvar, Batangas habang ginagamot naman sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang kasabwat na si Michael Beltran Malveda, 43, ng Brgy. San Lucas, Lipa City, Batangas.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Nilo Berdin, hepe ng Legazpi City police station, niratrat nina Magsino at Malveda ang mga biktimang sina Alex Herman Alemania, 48, ng Barangay Panal, Tabaco City, Albay; at Anna Marie Querubin, 24, ng San Fernando City, Pampanga.

Gayunman, nakaligtas ang mga biktimang nasugatan na naisugod naman sa Albay Doctors Hospital.

Gayunman, habang papatakas sina Magsino at Malveda lulan ng motorsiklo ay nakasalubong ang rumes­pondeng si PO1 Alwyn Borja kung saan nauwi sa barilan hanggang sa mapatay si Magsino.

Narekober ang dalawang cal. 45 pistol, P10, 000 cash at ang motorsiklo (OW-7790) na gamit ng mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with