Cafgu itinumba ng tandem
NORTH COTABATO, Philippines — Pinabulagta ang 56-anyos na sundalo ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Palian, bayan ng Tupi, South Cotabato kahapon ng umaga. Napuruhan ang biktimang si Cipriano Inocencio ng Barangay Tubing sa nasabing bayan. Sa ulat ng pulisya, bumibili ng sigarilyo ang biktima sa tindahan kung saan pasakay na sana sa motorsiklo nang lapitan at ratratin ng gunman. Walong putok ng baril ang tumapos sa buhay ng biktima kung saan binaril din ng gunman ang aso sa nasabing lugar.
- Latest