^

Probinsiya

2 sugatan sa bumagsak na trainer plane

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang piloto ang nasugatan makaraang bumagsak ang trainer aircraft ng Philippine Air Force (PAF) kamakalawa ng hapon sa Barangay Colongan, ba­yan ng Rosario, Batangas noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasugatang piloto na sina Major Gemar Tangacalagan at First Lieutenant Jaimaca Ann Acojedo, co pilot.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa taniman ng tubo sa nasabing lugar dakong alas-5:30 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, nagsasagawa ng training flight ang T 41 trainer aircraft ng Philippine Air Force nang mag-emergency landing ito sa Sitio Villa Ilayang sa Brgy. Colongan sa bayan ng Rosario.

Bunga nito, nagtamo ng sugat sa biglaang pagbulusok ng aircraft ang dala­wang piloto na mabilis namang isinugod sa Fernando Air Base Hospital sa Lipa City ng mga kasamahan na rumesponde sa insidente.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with