^

Probinsiya

Bangka lumubog: 6 turistang Tsino, 3 pa nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam-katao kabilang ang anim na turistang Tsino ang nasagip ng mga awtoridad makaraang lumubog ang sinasakyang bangkang-de-motor sa karagatan ng Barangay Sabang sa Puerto Galera, Oriental Mindoro dulot ng bagyong Ramil kahapon.

Ayon kay Eugene Cabrera, director ng Office of Civil Defense (OCD) MIMAROPA, bandang alas- 12 ng tanghali nang lumubog ang M/B King Jonel na pag-aari ni  Jun-Jun Mendoza na nagmula pa sa bayan ng Sta. Clara, Batangas.

Nabatid na ang  paglubog ay may 20 metro ang layo sa dalampasigan ng Brgy. Sabang matapos itong balyahin ng malalaking alon sanhi ng masamang lagay ng panahon.

Kinilala ang mga nasagip na Tsino na sina Fei Cao, 34; Juan Juan Shi, 34; Rong Jun Wang, 34; Jio Lo Sai, 40; Xi Min  Yu, 61; at si Xing Eng Zho, 40.

Nasagip din sina Captain Reno Ace Garcia, 27; Ian Roy Quinery, 19; at si Justin Macalalad, 19, kapwa tripulante.

Sinasabing malapit na sa destinasyon ang mga biktima nang balyahin ng malaking alon kaya unti-unting lumubog ang bangka.

Agad namang rumes­ponde ang apat na diver mula sa Sea Queen Resorts na nasaksihan ang insi­dente at nasagip ang mga biktima.

Isinailalim naman sa kustodya ng Philippine Coast Guard sa Puerto Galera ang mga nasagip na dayuhang nagbabakasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with