^

Probinsiya

Opisyal ng munisipyo sinaksak sa libing

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sugatan ang 55-anyos na Municipal Civil Registrar matapos itong gripuhan ng magsasakang inawat niya sa sobrang pagtangis sa libing ng kaanak sa Barangay Poblacion, bayan ng Rizal, Cagayan kamakalawa. Ayon kay SPO1 Roderick Diamsay, nabasag ang emosyon ni Primo Lanna, 41, na halos himatayin sa tabi ng kabaong ng hipag na si Yolanda Epag nang pagsabihan at awatin ito ni Municipal Registrar Marlon Bauag  dahil sa sobrang pag-iyak.? Nauwi sa pagtatalo ang malungkot na eksena hanggang tuhugin ng suspek ang biktima kaya nagtakbuhan at sigawan ang mga nakikipaglibing. Isinugod sa Tuao District Hospital ang opisyal at kalaunan ay inilipat sa  pribadong ospital habang inaresto naman ng mga pulis ang suspek matapos ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with