PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Buntis pinaanak ng estudyanteng nurse sa van

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Sumikat sa social media ang 20-anyos na estudyante ng College of Nursing ng Bicol University matapos itong maglakas-loob na paanakin ang buntis na misis sa loob ng tumatakbong UV Express Service van sa kahabaan ng highway sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Ipinagbunyi ng kanyang mga kaklase at professor ang kabayanihang ginawa ni JM Palma Cabarle, 4th year nur­sing student at residente ng Barangay San Juan sa bayan ng San Jose, Camarines Sur.

Ligtas na nanganak si Remelyn Frondozo, 28, ng Panday Street sa bayan ng Goa.

Ayon kay Cabarle, dakong alas-6:45 ng umaga sakay siya ng pampasaherong van nang biglang sumakit ang tiyan at nakaramdam ng panganganak ang buntis na pasaherong si Remelyn.

Agad dinala ng driver na si Rosauro Nacario sa unang dalawang ospital ang buntis pero tinangihan dahil sa maselang kalagayan ng bata.

Nabatid na nakapulupot sa leeg ng sanggol ang ambilical cord at biglang tumaas ang blood pressure ng ina kaya sinabihan silang isugod na ito sa Bicol Medical Center sa Naga City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Gayunman, habang nasa biyahe nataranta ang mga pasahero dahil namimilipit na sa sakit ang misis kaya nagprisenta na si JM na paanakin ang buntis kung saan ligtas namang nailabas ang sanggol at pagdating sa BMC ay agad silang inasistehan ng mga doktor at nurse.

Dahil sa ipinanganak sa loob ng van sa tulong ng estudyanteng si JM, nag­desisyon ang mag-asawang Remelyn at Romnick na pa­ngalanang Vanessa JM ang kanilang bunso.

Proud naman ang mga magulang na si BJMP Officer John Cabarle at Ma. Isabel sa kabayanihan ng kanilang panganay sa anim na mga anak na si JM na nakatakdang magtapos bilang cum laude sa sa Bicol University sa Legazpi City sa 2018.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: