Drug peddler dedo sa buy-bust
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Bulagta ang beteranong drug peddler matapos itong kumasa sa mga pulis sa ginawang buy-bust operation sa Barangay Lerma sa Naga City, Camarines Norte kahapon ng madaling araw. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, ikinasa ng Regional Drug Enforcement Unit at Naga City Police ang buy-bust operation laban kay Michael Bolbol kung saan matapos magkabilihan ng droga nakahalata ang suspek kaya tumakbo ito. Nagkahabulan ang suspek at mga pulis hanggang makapasok sa bahay na pag-aari ni Virginia Canet kung saan nang makorner ay kumasa ito pero naunahan siyang paputukan ng mga operatiba. Narekober ang cal. 38 revolver na paltik at ilang plastic sachet na shabu.
- Latest