2 dedo, 2 kritikal sa pamamaril
CAVITE , Philippines - Dalawa-katao ang napatay habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen kamakalawa ng gabi sa Zone 4, Barangay Pasong Lawin sa Dasmariñas City, Cavite. Kinilala ang mga napatay na sina Bartolome Pedrosa at Jun Bindal habang kritikal naman sina Aldrin Mahilom, 24; at Armando Cruz, mga nakatira sa Barangay Pasong Lawin sa Dasmariñas City, Cavite. Base sa ulat ni SP01 Reynald Afable na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, magkakasamang nag-iinuman ang mga biktima sa gilid ng central market nang lapitan at ratratin ng tandem assassins.
- Latest