^

Probinsiya

Mag-amang suspek sa ex-tserman slay, tiklo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  - Arestado ang mag-amang suspek sa pagpatay sa dating barangay chairman sa hangganan ng Barangay Marang, Barira at Brgy. Gumagadong Calawag sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Chief Insp. Erwin Tabora ang mag-amang suspek na sina Maguid Baudting Sarodsong, 43; at Habib Hasim Sarodsong, 23, mga nakatira sa Brgy. Marang. Napag-alamang matagal nang may nakabinbing warrant of arrest ang mag-ama sa kasong murder with frustrated murder noon pang 2008. Naaresto ang mag-ama ng pinagsanib na pwersa ng Parang PNP, Barira PNP, at Army’s 37th Infantry Battalion kung saan nasamsam ang cal. 45 pistol at mga bala.  Ayon kay Tabora, ang mag-ama ay itinuturong suspek sa pagpatay kay Ferdinand Arnold Molina, 51, dating chairman ng Brgy. Gumagadong Calawag at residente ng Barangay Poblacion –Uno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with