PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trader nirapido ng tandem, kritikal

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Nakikipaglaban kay kamatayan ang 38-anyos na negosyante na sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Siyam na tama ng bala ng cal. 9mm pistol ang tumama sa biktimang si Gilbert Abalahon ng nasabing barangay. Ayon kay P/Supt. Art Brual Jr., chief of police sa Lucena City, minamaneho ng biktima ang berdeng Hyundai van (WNX-149) kasama ang kanyang misis at kaibigang lalaki nang dikitan at ratratin ng tandem dakong alas-4:30 ng hapon. Nakatakas ang gunmen patungo sa direksyon ng Barangay Ibabang Talim. Ayon kay P/Supt. Brual, bukod sa sinasabing pagiging drug personality ng biktima ay nakasuhan ito ng rape subalit naabswelto.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: