PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sub-kumander ng ASG dedo sa encounter

MANILA, Philippines - Napatay ng mga ope­ratiba ng Marines-Joint Task Force Sulu ang sinasabing sub-commander ng teroristang Abu Sayyaf Group na tumayong lider ng kidnap-for-ransom group sa naganap na engkwentro sa bayan ng Jolo, Sulu kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Brig Gen. Cirilito Sobejana, commander ng JTF Sulu ang napatay na si Badong Muktadil.

Lumalabas na nagpapatrulya ang tropa ng Marines sa karagatan ng Brgy Silangkan, Parang, Sulu nang makasagupa ang grupo ni Muktadil habang sakay ng watercraft.

Sinasabing ang grupo ni Badong ay may standing warrant of arrest sa mga kasong kidnapping, serious illegal detention at murder.

Pinaghahanap din ng mga awtoridad ng Malaysia ang grupo ni Badong kaugnay sa sea jacking, pag-atake sa foreign vessels at pagdukot sa boarders ng Tawi-tawi at Sabah, Malaysia.

Sangkot din ang nasabing grupo sa pagdukot sa Taiwanese na si Chang An Wei na may alyas Evelyn Chan sa Pon Pon Island Resort sa Sabah habang ang kasama nila ay pinatay noong Nobyembre 13, 2015.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sangkot din ang grupo ni Badong sa sea jacking ng Vietnamese vessel na M/V Giang Hai sa Off pearl Bank, Tawi-tawi noong Pebrero 19, 2017.

Nagpasalamat naman ang JTF Sulu sa mga residente at lokal na pamahalaan dahil sa pagbibigay ng impormasyon sa militar kaugnay sa presensya ng nasabing grupo kaya napatay si Badong.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: