^

Probinsiya

Waiter inutas ng nakaalitan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Sabog ang ulo at namatay noon din ang 47-anyos na waiter sa catering service matapos itong barilin ng dating kaalitan, kamakalawa ng hapon sa Lapids Ville Subdivision, Barangay Lumingon sa bayan ng Tiaong, Quezon. Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Edgardo Angeles, may asawa at residente ng nasabing lugar. Tumakas naman ang suspek na si Jaime de los Reyes ng Barangay San Agustin. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Alvin Consolacion, nakatayo sa harapan ng kanyang bahay ang biktima nang lapitan at putukan sa ulo ng hindi kilalang lalaki. Kaagad na tumakas ang gunman lulan ng traysikel habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with