Bagong COP ng Marawi, itinalaga
MANILA, Philippines - Itinalaga na ang bagong hepe ng pulisya sa Marawi City matapos ang pagkakaantalang dulot ng matinding krisis sa pananalasa ng grupong Maute-IS
Ayon kay P/Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, PNP director ng ARMM, si P/Senior Supt. Ebra Moxsir, president ng Imam Council of the Philippines ang bagong hepe ng nasabing lungsod.
Pansamantala namang nag-uupisina si Moxsir at kaniyang mga tauhan sa Camp Bagong Amai Pakpak sa naturang siyudad dahil matindi pa rin ang bakbakan sa ilang bahagi ng nasabing lungsod.
Si Moxsir ay pumalit kay P/Supt. Parson Asadin, dating chief of police sa Marawi City.
Bukod sa pagiging dugong Maranao ay nirerespeto ng mga Muslim si Moxsir kaya malaki ang magagawa nito sa peace and order sa Marawi.
Napag-alaman din na pamilyar si Moxsir sa Marawi dahil dito siya ipinanganak at lumaki kung saan presidente ito ng student council at isang tactical officer na magiging commandant din ng Mindanao State University sa 2018.
“A fusion of spiritual and strategic rule, P/Supt. Moxsir is expected to deliver a traditional yet innovative ways of handling his area of operation. spiritually, traditional considering that Marawi is the only Islamic City in the country, yet innovative since the city police station needs a total revamp,” paliwanag pa ng opisyal.
- Latest