^

Probinsiya

Mag-ama nabundol ng SUV, 1 patay!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAGKAWAYAN, QUEZON , Philippines- Patay agad ang isang rider habang malubhang nasugatan ang kanyang anak matapos na mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng kasalubong na SUV sa Quirino Highway, sakop ng Brgy. San Vicente, ng lalawigan kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Roger Rul, 62, ng Quezon City habang nilalapatan ng lunas sa Tagkawayan District Hospital ang anak nitong si Rogelio Rul, 27, dahil sa tinamong mga sugat sa katawan. 

Ayon sa ulat, patungo sa Maynila ang mag-amang biktima sakay ng isang motorsiklo dakong alas-7:50  ng umaga nang mabangga sila ng Bicol bound Mitsubishi Pajero ( EDC -954) na minamaneho ni Wigberto Patulot sa kurbadang bahagi ng daan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries and damage to property ang tsuper ng SUV na nakapiit sa municipal jail.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with