6 drug suspects pumuga sa Laguna jail
MANILA, Philippines – Anim na preso ng San Pedro Police Station na pawang mga nahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga ang nakatakas ngayong Martes ng umaga.
Kinilala ni Region 4 Public Information Officer Chief Superintendent Chitadel Gaoiaran ang mga puganteng sina Benjo Lopena, Mark Joseph Varias, Jordan Mahusay, Ed Niño Lozada, Rey Erenia at Arvin Lizarda.
Ayon sa ulat, bandang 4:30 ng umaga nakatakas ang mga preso matapos putulin ang steel bars ng kanilang selda.
Sina Duty Jailer PO2 Jovencio Piodo at Duty Desk Officer PO3 Crisman Manabat ang nakapansin na nakatakas ang mga preso.
Samantala, binigyan ng 24 oras ni San Pedro City Police Chief Superintendent Harold Depositar ang mga duty guards upang maibalik sa kulungan ang mga pugante.
- Latest