^

Probinsiya

Bus vs jeep: 1 dedo, 8 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI, Albay, Philippines - Isa katao ang namatay habang walo ang sugatan nang magbanggaan ang isang bus at pampasaherong jeep sa kahabaan ng Andaya Highway sa Brgy.Sooc sa bayan ng Lupi, Cam Sur noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na si Rudy Suboc, residente ng Allen,Northern Samar habang nakilala naman ang mga sugatang magkakamag- anak na sina Evageline, 34,Margeline, 20; Margin De Los Santos,17, at Marlon Mangubat, 24, pawang ng Brgy. Balite, San Isidro, Northern Samar; Fejun Rama, 24, ng Victoria, Northern Samar; Edgar Suboc, 42; Lydia Alegre, 42, at Jenny-Ann Cortero, pawang residente ng Las Piñas, Metro Manila.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-4:10 ng madaling araw habang binabaybay ang highway sa nasabing lugar patungong Maynila ng jeepney (PYY-803) na minamaneho ni Ronil Delos Santos, ng Las Piñas nang okupahin ang kanilang linya at mabangga ng kasalubong na Saint Jude Bus (EVP-197) na patungong Tabaco City, Albay at minamaneho ni Elmer Juego, 47 anyos.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang unahang bahagi ng jeep na  ikinasawi ng pasaherong si Suboc at ikinasugat ng walo katao na ginagamot sa Sipocot District Hospital.

Kapwa hawak ng Lupi Police ang dalawang driver na bahagyang nasaktan sa aksidente at patuloy na iniimbestigahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with