^

Probinsiya

Mister tinalikuran ang pamilya, kinatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kinatay ng 40-anyos na magsasaka ang kanyang bayaw na sinasabing tumangging suportahan ang limang anak na kanyang iniwan sa utol nito sa Barangay Viga, bayan ng Angadanan, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Fernando Manangan, hepe ng pulisya sa bayan ng Angadanan ang napatay na si Efren Dela Peña na tubong Palanan, Isabela habang naaresto naman ang suspek ay si Melecio Gumtang, 40. Lumalabas sa imbestigasyon na nag-krus ang landas ng magbayaw sa laklakan sa kapitbahay kung saan iniungkat ng suspek sa biktima ang napabayaang pamilya na nasa kanyang poder. Ayon kay Manangan, nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima ang mainit na pagtatalo at natalsikan pa ng dugo ang kanilang pulutan. Nabatid na hiniwalayan ng biktima ang kanyang misis na utol naman ng suspek at sumama sa ibang babae.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with