^

Bansa

Visayas at Mindanao maulan sa Undas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Daranas ng mga pag-ulan ang Visayas, Mindanao at probinsya ng Palawan sa araw ng Undas at Araw ng mga Santo dahil sa umiiral na intertropical convergence zone na nakaka-apekto sa nasabing mga lugar.

Ayon kay Glaiza Escullar, weather forecaster ng PAGASA, isang low o pressure area ang maa­ring mabuo mula sa Philippine Area of Responsibility o PAR at maaring pumasok sa bansa sa Araw ng Undas.

Base sa 24-hour weather bulletin ng kagawaran, maulap na papawirin na may katamtamang pag-ulan at pagkulog ang mararanasan sa Visayas, Mindanao at Palawan, habang maulap na kalangitan ang inaasahan sa kabuuan ng probinsya ng Cagayan, Isabela at Ilocos Norte.

Ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga manaka-nakang pag-ulan at mga pagkulog.

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with