^

Probinsiya

72-anyos lola dinedo, ninakawan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 72-anyos na lola matapos itong hatawin at pagnakawan pa ng dalawang lalaki sa Barangay Tabgon sa bayan ng Goa, Camarines Sur noong Martes ng umaga. Nabasag ang bungo ng biktimang si Andrea P. Alarcon habang naaresto ang isa sa dalawang suspek na si Danilo De Mesa habang patuloy namang tinutugis ang kasabwat nitong si Russel Parpan. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, bandang alas-10 ng umaga nang matagpuan ni Arwin Mariano ang duguang biktima sa loob  ng pag-aaring tindahan. Nakita rin ni Mariano  na papatakas ang mga suspek sa likuran ng bahay ng biktima. Kaagad na ipinaabot ni Mariano sa mga opisyal ng barangay ang naganap na insidente kaya naaresto si De Mesa. Narekober sa suspek ang P5,000 cash na ninakaw nito sa tindahan ng matanda kung saan ikinanta naman ang kasabwat na si Parpan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with