^

Probinsiya

Pinsan ng drug lord utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang sinasabing pinsan ng drug lord ma­tapos itong na makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya sa Barangay Ermita, Cebu City, Cebu noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Rolan Secretaria, pinsan ng drug lord na si Rowen “Tawa” Secretaria.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Joel Doria, director ng Cebu City PNP, bandang alas-8 ng umaga nang maganap ang shootout matapos na paputukan ng suspek ang arresting team ng pulisya sa inilatag na drug bust operation sa nasabing lugar.

Sa tala ng pulisya, si Rolan ay isa sa mga pangunahing suspek sa pamamaril at pagpatay sa 14-anyos na estudyan­te sa Brgy. Pasil noong Sabado kaya nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng pulisya upang arestuhin ito kahapon pero kumasa kaya napatay.

Nasamsam sa operas­yon ang cal. 45 pistol, cal. 28 pistol at 40 piraso ng plastic sachet na shabu.

Samantala, isang oras pagkatapos na mapatay si Rolan, tatlo sa mga kasama­han nitong suspek ang su­muko na sa pulisya na kini­lalang sina Gerald Flores, Michael Secretaria at si Daryl Abanto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with