^

Probinsiya

Waiter dinedo sa beerhouse

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 27-anyos na waiter habang sugatan naman ang kasama nitong waitress makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa loob ng beerhouse sa Barangay Burol 1st, bayan ng Balagtas, Bulacan noong Sabado ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Balagtas Doctor’s Hospital si Florentino Alberto habang ginagamot naman si Jasmine Almintia, kapwa stay-in-worker ng Wilbitz Bar and Grill sa nasabing barangay. Base sa ulat ni SPO1 Allan Lampano, dinala ng biktima ang inorder na alak ng dalawang lalaki sa isang kubo ng beerhouse. Gayunman, tinungo ng gunman ang biktima sa loob ng beerhouse saka pinutukan sa katawan kung saan tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril si Alminta. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal.45 pistol habang sinisilip naman ng mga imbes­tigador ang anggulong onsehan sa droga ang isa sa motibo sa pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with