5 arestado sa P.250-M shabu
BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng lima-katao makaraang makumpiskahan ng P.250 milyong shabu sa inilatag na magkahiwalay na buy-bust operation sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina D-Jay Nicandro, Carlo Ronidel, mga residente sa Brgy. Longos; Jeffrey Delos Santos ng Bancal Ext., Brgy. Bancal; Enrico Geronimo, 44; at si Enrico Oliva, 52, kapwa nakatira sa Brgy. Lawa. Ayon kay P/Supt.Lailene Amparo, ang mga suspek ay nasakote sa inilatag na buy-bust operation sa mga Barangay Bancal at Barangay Lawa. Narekober sa mga suspek ang tatlong plastic bag at 27 plastic sachet ng shabu, P700 marked money, at mga drug paraphernalia.
- Latest