^

Probinsiya

3 peddler tumba sa bakbakan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Bumulagta ang tatlong tulak-droga makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya  sa inilatag na checkpoint sa kahabaan ng highway sa Barangay Overview, bayan ng Liloy, Zamboanga Del Norte kahapon. Sa ulat ng police regional office (PRO-9), nakatanggap ng impormasyon ang tropa ng 1st Maneuvering Company ng Regional Public Safety Battalion kaugnay sa tatlong drug pushers na lulan ng kotse (VBL541) patungong bayan ng Ipil sa Zamboanga  Sibugay mula sa Dipolog City. Kaagad na inilatag ang PNP checkpoint sa pangunguna ni P/Senior Insp. Etorne subalit hindi huminto ang kotse ng tatlo bagkus ay pinagbabaril pa ang mga bantay na pulis na nauwi sa shootout. Napatay naman ang tatlo na kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with