^

Probinsiya

Ambush: Mag-ama, 1 pa bulagta

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao ang napatay makaraang tambangan ng hindi kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Satan sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kahapon ng tanghali.

Ayon kay P/Inspector Razul Pandulo ng Maguindanao PPO, kinilala ang mga biktima na sina Engr. Landap Pigkaulan Guinaid, 46; Anwar Lauban Guinaid, 26; anak ni Landap at si Samaon Guiamlod Pigkaulan, 52, civilian escort ng mag-ama habang sugatan naman si Pfc. Abduladzis Lauban Guinaid, 25, anak din ni Landap.

Batay sa ulat ng pulisya, magkakasama ang mga biktima galing SUV pick-up (LGK 539) nang tamba­ngan bandang alas-12:48 ng tanghali.

Kahit sugatan ay nagawang magtungo ng driver ng SUV na si  Anwar sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Guindolungan para humingi ng tulong.

Kaagad namang isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center subalit namatay ang mga biktima habang ginagamot. Dagdag ulat ni Joy Cantos

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with