^

Probinsiya

Bus vs trak: 1 patay, 7 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan at isa ang nawawala makaraang magbanggaan ang trailer truck at passenger bus sa bahagi ng diversion road sa Barangay Sta. Catalina, bayan ng Atimonan, Quezon, kamakalawa ng madaling araw. Idineklarang patay sa Doña Marta Hospital ang biktimang si Marry Shaine Oas ng Camarines Sur. Ginagamot naman ang mga sugatang sina Victor Sayno, isa sa dalawang driver ng Isarog Bus line; Glecyden Nolasco, Ramon Albius, Porferio Abunite Jr., Ramon Roque, Shiela Plata at ang pahinante ng trak na si Albert Almonte. Patuloy naman ang search and rescue operation sa nawawalang pahinante ng trak na si Alvin Borigas na pinaniniwalaang naipit sa ilalim ng dalawang sasakyan.  Ayon sa imbestigasyon, patungo sa Maynila ang Isarog Bus Liner (TYJ-442 ) ni Noel Cabrito nang banggain ito ng nawalan na prenong trailer truck (RHU 580) ni Ruperto Santos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with