^

Probinsiya

Stude nam-bully ng kaklase dedo sa suntok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sinapit ang 19-anyos na isang high school student laban sa kanyang kaklase sa pambu-bully matapos na magkapikunan at humantong sa suntukan sa loob ng silid-aralan sa bayan ng Alaminos City, Pangasinan noong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ang namatay na si Alvin Jones Prado, Grade 11 sa Telbang National High School sa nasabing lungsod.

Sising alipin naman si Meljoe Borbon, 18, boluntaryong sumuko sa pulisya sa pakiusap ng kaniyang mga guro.

Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang insidente sa compound ng nasabing paaralan sa Barangay Telbang bandang alas-11:30 ng tanghali.

Ayon sa imbestigas­yon, sinasabing binully ni Prado si Borbon na humantong sa suntukan ng mga ito matapos na magkapikunan.

Sa pahayag ng mga kamag-aral, sa lakas ng suntok ng suspek ay bumagsak ang biktima na tumama ang ulo sa semento kaya ito nawalan ng malay-tao.

Nagawa pang maisugod sa Western Pangasinan District Hospital sa Alaminos City ang biktima pero idineklarang patay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with