^

Probinsiya

Mister dinedo sa inuman

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 45-anyos na mister matapos itong saksakin ng kanyang kainuman sa Barangay Poblacion, bayan ng Pandi, Bulacan noong Linggo ng hapon. Napuruhan sa dibdib at hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Ronnel Reyes ng Woodbridge Subdivision, Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan habang nasakote naman ang 64-anyos na suspek na si Felecisimo Berondo. Sa ulat ni PO3 Jim Glen Cruz na isinumite sa Camp Alejo Santos, magkasamang nakikipag-inuman sa ilang kalalakihan ang suspek at biktima sa isinagawang padasal sa bahay ni Arlyn Melin-Gepilano nang magkainitan ang dalawa na humantong sa pananaksak. Nabatid na may matagal ng alitan ang dalawa na kinimkim ng suspek hanggang sa ito ay sumambulat sa pamamagitan ng pananaksak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with