^

Probinsiya

Desperadong lolo, nagbigti

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – May ilang ulit nagtangkang magpakamatay simula pa noong 2013 kaya natuluyan na ring sumalubong kay kamatayan ang 66-anyos na lolo matapos itong magbigti sa punungkahoy sa Barangay Elizabeth, bayan ng Dingras, Ilocos Norte kamakalawa.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP, huling namataang buhay ang biktimang si Silvino Bayaca na umalis ng kanyang bahay noong Martes ng madaling araw.

Gayunman, dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ng mga kapitbahay ang biktima na  nakabitin sa punung kahoy sa gitna ng palayan.

Nabatid sa mga kaanak na nasa matinding depres­yon ang matanda dahil sa nararanasang sakit sa pag-iisip.

Sa pinakahuling pagtatangka ng biktima na magpasalubong kay kamatayan ay uminom ito ng insecticide subalit maagap naman siyang nailigtas sa pagamutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with