^

Probinsiya

Trak swak sa bangin: 15 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamata­yan ang 15-katao makaraang mahulog ang sinasakyan logging truck pabalik sa kabundukan ng Sierra Madre sa Barangay Alibadabad, bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa. ?

Sinabi ni P/Chief Insp. Arnold Bulan, hepe ng San Mariano PNP, tumakas ang drayber ng truck na si Sherwin Managuelod at iniwan ang mga sugatang pasahero na sina Rogie Abordo, Ignacio Martinez, Ramon Tamang, Bernie Mendez, Felicidad Richoso, Angelito Pagulayan, Esteban Managuelod, Tomas Mendez, Jeriel Siringan, Pedro Calinggal, Jonard Tamang, Rading Tamang, Lily Managuelod, Reycelyn Martinez, at ang 5-anyos na anak ni Reycewlyn na si Ashley Martinez.?

Lumalabas sa imbestigasyon na nabitin at nawalan ng preno ang sasak­yang pag-aari ni Ian Paez sa paakyat na bahagi ng daan kaya umatras itong nag tuluy-tuloy sa bangin. ?

Nagkabali-bali ang buto at ang iba naman ay naputulan ng mga daliri at bisig ang ilang mga pasaherong isinugod sa Governor Faustino Dy Sr. Memorial Hospital sa Ilagan City mula sa San Mariano Community Hospital. ?

Nabatid na pauwi ang logging truck ng mga biktima sa liblib na Barangay Ibujan mula sa pamamalengke sa kabayanan nang makasalubong ang trahedya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with