^

Probinsiya

Bangkay umano ng pinugutang Canadian natagpuan sa Sulu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang bangkay na walang ulo ang natagpuan sa isang barangay sa Patikul, Sulu ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Sulu provincial police director Sr. Supt. Wilfredo Cayat na nakasako ang bangkay at tinabunan ng mga dahon ng matagpuan ng mga residente ng Sitio Tibangao, Barangay Tugas.

 Inaalam pa naman ngayong ng mga awtoridad kung ito nga ba ang katawan ng pinugutang Canadian hostage ng Abu Sayyaf na si John Ridsdel.

BASAHIN: Trudeau kinondena ang pagkasawi ng Canadian hostage sa Pinas

“It’s positive. The local residents there found the headless remains and we have sent our police team to recover it for verification of the identity,” pahayag ni Cayat.

Pinugutan ng Abu Sayyaf nitong kamakalawa si Ridsdel matapos hindi makapagbayad ng hinihinging ransom na P300 milyon.

Kinondena ng gobyerno ng Canada at Pilipinas ang pagpaslang ng bandidong grupo kay Ridsdel.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang Abu Sayyaf upang mailigtas din ang tatlo pang ibang bihag.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with