^

Probinsiya

Re-electionist na konsehal itinumba! Niratrat habang nagjo-jogging…

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem ang kapatid ng dating lider ng New People’s Army (NPA) na konsehal at kandidato sa nalalapit na halalan habang nagjo-jogging sa Brgy. San Pablo, Sto. Tomas, Batangas nitong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ni Batangas Provincial Police Office (PPO) P/Sr. Supt. Arcadio Ronquillo, namatay noon din ang biktima na si Domasino  Mabilangan Jr., 51 anyos, re-electionist bilang konsehal sa nasabing bayan at nakatira sa Valle Pio Subdivision, Brgy. San Pablo, Sto. Tomas, Batangas bunga ng mga tama ng bala sa katawan.

Si Domasino ay kapatid ni dating NPA leader Leopoldo Mabilangan alyas Ka Hector, commander ng NPA Banahaw Command na napatay sa Quezon noong 1994.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga habang abala sa pagjo-jogging si Mabilangan sa bisinidad ng subdibisyon nang paulanan siya ng bala ng mga suspek. Pinaniniwalaan na natiktikan ang regular na pag-eehersisyo ng opisyal sa kanilang lugar tuwing umaga. Ilang beses umanong namataan ang mga suspek na umaaligid sa lugar at tila may inaabangan.

Sinisilip ang anggulong pulitika at alitan sa lupa ang motibo sa pamamaslang matapos na makatanggap ng death threat ang biktima nang tumatayo pa lamang siyang pangulo ng isang farmer’s association. 

Kinondena ng United Nationalist Alliance (UNA) ang pagpatay sa konsehal.  “Kinokondena at ikinalulungkot namin ang pagpatay kay Coun. Caloy Mabilangan.

Inihahatid ni Vice President Jejomar Binay ang kanyang dalamhati at pakikiramay sa pamilya at mga naiwang mahal sa buhay ni Ka Caloy,” ani UNA spokesperson Mon Ilagan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with