^

Probinsiya

2 bahay-sanglaan nilooban

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Tinatayang aabot sa libu-libong halaga ng cash at mga gadget ang naglahong parang bula makaraang looban ng Acetylene Gang ang magkatabing pawnshop sa Maharlika Highway, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga.

Sa police report na nakara­ting kay P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng Lucena City PNP, unang nilooban ang Pazalonia Pawnshop matapos madiskub­re ng appraiser na si Ariane Pantinople na napasok ng mga kawatan ang pinagtatrabahuhan niyang pawnshop.

Nabatid na hinukay ng mga magnanakaw ang ilalim ng lupa sa bakanteng lote patungo sa sahig ng nasabing pawnshop saka tinangay ang mga gadgets na nagkakahalaga ng P.1 milyon na nakasanla matapos wasakin ang safety vault.

Dakong alas-9:05 naman ng umaga nang matuklasan ni Mario Garcia ng Barangay Kanlurang Mayao na napasok  ng Acetylene Gang ang pag-aaring Garcias Pawnshop makaraang butasin ang sementadong sahig mula rin sa bakanteng lote.

Hindi naman nabatid ang halaga ng mga ari-arian at cash na sinikwat sa nasabing pawnshop.

Narekober sa dalawang pawnshop ang iniwang  dalawang hydraulic jack, 2 mini acetylene tank at iba pang kagamitan sa pagtibag ng sementong sahig.

Pinaniniwalaang mga beteranong minero ang nasa likod ng nakawan sa dalawang pawnshop.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with