^

Probinsiya

Ama tiklo sa pagmamalupit sa 2 anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak-kalaboso ang 30-anyos na ama matapos nitong pagmalupitan ang da­lawa nitong anak na pinapatakan ng tulo ng kandila sa iba’t-ibang bahagi ng katawan dahil sinasapian umano ng masamang espiritu sa bayan ng Lucban, Quezon kamaka­lawa ng umaga.

Sa ulat ng Quezon PNP na isinumite sa Camp Crame, itinago sa mga pangalang Kiko, 3; at Len- Len, 1, kapwa na-trauma sa insidente.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic  7610 (Child Abuse Act) ang suspek na ipinatago sa pangalang Lito upang protektahan ang kanilang pamilya.

Ayon sa pulisya, naglalaro ang magkapatid  nang akalain umano ng suspek na sinasapian ng masamang espiritu kung saan ikinulong nito sa kuwarto saka pinapatakan ng tulo ng may sinding kandila sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Dahil dito ay nagsisigaw ang dalawa na narinig pa ng kanilang mga kapitbahay kung saan napilitan ang mga itong sumilip sa bahay ng mag-aama upang makita ang pangmamaltrato ng suspek sa kaniyang mga anak.

Mabilis namang ipinagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari kaya inaresto ang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGSAK

CAMP CRAME

CHILD ABUSE ACT

DAHIL

KIKO

LEN

LITO

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with