^

Probinsiya

Kagawad dedo sa pamangkin

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pa-traydor na sinaksak ng isang 31-anyos na lalaki ang tiyuhin nitong barangay kagawad sa isang sayawan kahapon ng madaling araw sa Brgy.Calacabian, Libacao, Aklan.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Libacao Municipal Hospital sanhi ng malalim na tama ng saksak sa dibdib at balikat ay kinilalang si Louie Nabiong, 44, at residente ng naturang lugar.

Ang suspek na tuma­kas ay ang pamangkin ng biktima na si Dexter Binuyo, residente ng Brgy. Alas-as, Madalag, Aklan.

Batay sa ulat, dakong alas-3:35 ng madaling araw ay nasa sayawan ang biktima at suspek kaugnay ng pista sa kanilang barangay.

Bigla umanong lumapit ang suspek sa kagawad na nasa likod ng pavement at bumunot ng patalim at sinaksak ang huli.

Nang bumagsak ang biktima ay tumakas ang suspek at sa paunang im­bestigasyon ay dating alitan ng kanilang pamilya ang motibo sa krimen.

 

vuukle comment

ACIRC

AKLAN

ANG

BATAY

BIGLA

BRGY

CALACABIAN

DEXTER BINUYO

LIBACAO

LIBACAO MUNICIPAL HOSPITAL

LOUIE NABIONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with