^

Probinsiya

Hall of Justice nasunog: 3 nawawala

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang nawawala habang aabot naman sa P28 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang Hall of Justice sa  Cagayan de Oro City, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Cagayan de Oro City Fire Marshal, limang oras ang itinagal ng sunog sa 2-storey na gusali mula alas-9:35 ng gabi noong Biyernes at naapula bandang alas-2:30 ng madaling araw.

Kabilang sa mga nawawala ay ang security guard na si Benjamin Buna, court employee na si Jeffrey Uban at isa pang utility worker.

Base sa pahayag ng mga arson investigator ng security guard na si Salon Sabuero, nagsimula ang sunog sa kisame ng Branch 20 at 21 ng Hall of Justice.

Mabilis na kumalat ang apoy at tumupok sa Hall of Justice na kinaroroonan ng 28 korte, City Prosecutors Office, Misamis Oriental Provincial Prosecutors Office kung saan maraming mga ebidensya tulad ng mga eks­plosibo ang nakatago.

Nabatid na ang mga malalakas na pagsabog sa nasa­bing gusali habang nilalamon ito ng apoy ay sanhi ng mga bomba at bala na nakatago sa evidence rooms  ng  korte kaya hindi kaagad nakapasok ang mga bombero.

Kabilang naman sa nakatagong mga ebidensya dito ay ang pananambang sa convoy ni Iligan City Rep. Vicente Belmonte habang napatay naman ang tatlong iba pa kabilang ang kaniyang driver at security escort noong Disyembre 2014. Joy Cantos at Rhoderick Beñez

 

vuukle comment

BENJAMIN BUNA

CITY PROSECUTORS OFFICE

HALL OF JUSTICE

ILIGAN CITY REP

JEFFREY UBAN

JOY CANTOS

KABILANG

MISAMIS ORIENTAL PROVINCIAL PROSECUTORS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with