^

Probinsiya

Vocalist ng banda, tinodas

Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines- Hindi akalain ng isang vocalist ng banda na huling ‘gig’ na pala niya kahapon matapos itong pagbabarilin habang naghihintay ng isa pang set sa labas ng kinakantahang restaurant sa Dasmariñas City, Cavite.?? Dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa ulo ng biktimang si Rizaldy Bernardo, 35, taga- Isidro Mangubat St., Brgy. Zone 4, Dasmariñas City, Cavite. Samantalang minalas namang masugatan sa braso ang katabi nitong si Reynaldo Ricasata Jr.?? Base sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas- 12 ng hatinggabi habang nasa labas ng? Orange Canteen na nasa Bautista St., Brgy. Zone 4 ang mga biktima na nag-uusap nang bigla na lang malapitang binaril ng hindi nakilalang suspek na naka-maskara si Bernardo.?? Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na nakaparada di kalayuan sa lugar. Inaalam na kung sino ang posibleng nakaaway ng biktima upang matukoy ang suspek sa krimen. (Cristina Timbang)

 

vuukle comment

BAUTISTA ST.

BRGY

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DASMARI

ISIDRO MANGUBAT ST.

ORANGE CANTEEN

REYNALDO RICASATA JR.

RIZALDY BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with