^

Probinsiya

Driver ng vice mayor tiklo sa drug bust

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Arestado ang ang driver-bodyguard ng Ilocos Norte vice mayor matapos itong makumpiskahan ng apat na malalaking sachet ng shabu sa isinagawang drug bust operation ng pulisya sa kanyang bahay sa Barangay 9, bayan ng Vintar sa nabanggit na lalawigan kamakalawa. ?

Sa police report na isinumite kay Ilocos Norte PNP Director P/Senior Supt. Antonio Mendoza Jr. nasa drug watchlist ang naarestong suspek na si Edcel Gagarin.?

Bukod sa droga ay nakumpiskahan pa ang suspek ng mga bala ng iba’t-ibang kalibre ng baril.

Dahilan sa pangyayari ay ipinaabot ni Vintar Vice Mayor Rowland Albano ang kanyang pagbati sa pulisya kaugnay sa pagkakaaresto sa suspek.?

Si Albano ay naging Director General ng PNP bago ito nagretiro at pumalaot sa pulitika.

Noong nakalipas na Peb­rero 2014 ay nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa checkpoint ang Tourism Officer ng Vintar na si Erwin Suguitan na may itinatagong shabu habang sakay sa motorsiklo.

Bunga nito, hinamon ni Albano na magpa-drug test ang buong kawani ng lokal na pamahalaan ng Vintar.

vuukle comment

ANTONIO MENDOZA JR.

DIRECTOR GENERAL

DIRECTOR P

EDCEL GAGARIN

ERWIN SUGUITAN

ILOCOS NORTE

SENIOR SUPT

SI ALBANO

TOURISM OFFICER

VINTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with