^

Probinsiya

13-anyos patay sa gang war

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 13-anyos na dalagita matapos itong barilin ng tatlong miyembro ng gang na sinasabing kaaway ng kanyang utol sa naganap na gang war sa Barangay Bagong Buhay, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Nagawa pang maisugod sa Sapang Palay District Hospital subalit namatay din habang ginagamot ang biktimang si Angelina Rizano, estudyante at residente sa nabanggit na barangay.

Samantala, pinagha­hanap ng pulisya ang mga suspek na kinilala ang isa sa mga ito na may alyas na Benok.

Sa imbestigasyon ni PO3 Celso lladones,naglalakd ang biktima kasama ang ilang kaibigan patungo sa Sampol Market nang harangin at barilin ng tatlong kabataang lalaki na magkakaangkas sa motorsiklo.

Hindi naman idinamay ng gunman ang ilang kaibigang biktima na nagpanakbuhan matapos bumulagta ang biktima.

Nabatid na nasangkot ang nakatatandang kapatid ng biktima sa pananaksak sa isang miyembro ng kalabang gang may ilang araw na ang nakalipas.

Pinaniniwalaang niresbakan ang biktima matapos hindi matagpuan ang kanyang utol na lalaki na sinasabing sangkot sa pananaksak.

 

vuukle comment

ANGELINA RIZANO

BARANGAY BAGONG BUHAY

BENOK

BULACAN

CELSO

NABATID

SAMPOL MARKET

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SAPANG PALAY DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with