^

Probinsiya

Ama ng rape victim, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines ­— Pinabulagta ng dalawang pinaniniwalaang hired killer ang isang ama ng rape victim na kamag-anak umano ng isang bise alkalde habang nanonood ng teleserye sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Gangalan, San Mariano, Isabela kamakalawa ng gabi.? Kinilala ni Chief Insp. Boni­facio Gannaban, hepe ng San Mariano Police ang biktima na si Orlando Lungan, 53, na pinsan ni Vice Mayor Roberto Lagan ng katabing bayan ng Benito Soliven.?

Ayon sa anak ng biktima, dalawang lalaking naka ca­mouflage uniform ang pumasok sa kanilang bahay at pinaulanan ng bala ang ama saka mabilis na tumakas ma­tapos ang krimen.? Sinabi ni Gannaban sa PSN na tini­tingnan nila sa imbestigasyon ang posibleng pagsampa ng biktima ng kaso sa isang kaba­bayan na sinasabing gumahasa sa anak nitong menor-de-edad noong nakaraang taon bilang motibo ng insidente.? Hindi muna kinilala ni Gannaban ang suspek na ayon sa kanya ay nagkaroon ng pagkakataong piyansahan ang kanyang kaso.

 

vuukle comment

AYON

BENITO SOLIVEN

BONI

CHIEF INSP

GANNABAN

ORLANDO LUNGAN

SAN MARIANO

SAN MARIANO POLICE

VICE MAYOR ROBERTO LAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with