^

Probinsiya

2 katao pinugutan ng ulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang pinugutan ng ulo kabilang ang isang lolo na binaril at ibi­naon pa ang bangkay sa putikan sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Masbate kamakalawa.

Sa ulat ni Sr. Inspector Orlando Galapon, Officer in Charge ng Sta. Fe, Nueva Vizcaya ang matandang si Jaime Delmas, 64-anyos ay pinagbabaril muna bago pinugutan ng ulo sa Brgy. Canabuan sa kanilang bayan.

Kinilala din ang suspek na si Juanito Natalac, residente rin sa nasabing lugar at ka­alitan umano ng biktima dahil sa  hangganan ng lupa.

Nadiskubre naman ng ilang kapitbahay ang walang ulo na bangkay ng biktima kung saan nakita na lamang ang ulo nito na nakabaon sa putikan  15 metro ang layo sa katawan.

 Agad naman na nahuli ang suspek matapos ang pagsisiyasat ng pulisya at ma­kuha ang ilang mga kagamitan na nagdidiin sa suspek.
Sa isa pang insidente, pinagtataga naman saka pinugutan rin ng ulo ang 28-anyos na magsasakang si Nilo Manlapas, residente ng Brgy. Panique, Aroroy, Masbate.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa isang pala­yan na pag-aari ni Marciano Baylon. Samantalang tina­ngay rin ng mga salarin ang motorsiklo ng biktima. Victor Martin/Francis Elevado

 

vuukle comment

BRGY

FRANCIS ELEVADO

JAIME DELMAS

JUANITO NATALAC

MARCIANO BAYLON

MASBATE

NILO MANLAPAS

NUEVA VIZCAYA

SR. INSPECTOR ORLANDO GALAPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with