^

Probinsiya

Espiritu isiniwalat ang killer

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - - “Pinugutan siya at ibinaon sa taniman ng mais.” Ito ang pagsisiwalat ng misteryosong espiritu na sinasabing sumanib sa furniture worker na si Bobby del Castillo kaugnay sa pagkawala ng isang binata sa Vigan City, Ilocos Sur. Sa pahayag ng espiritu na sumanib kay Castillo ng Brgy. Nagsangalan, ang nawawalang binata na si Teodorico Alcantara, Jr. ay pinatay matapos pugatan ng mga di-kilalang lalaki saka itinapon sa balon ang ulo at ang katawan nito ay ibinaon sa taniman ng mais may dalawang buwan na ang nakalipas. Nang tanungin kung sino ang espiritu na sumanib kay Castillo ay sinabi nitong kaibigan niya ang pinaslang na biktima. Kinumpirma naman ng pamilya Alcantara na dalawang buwan ng nawawala ang kanilang kapamilya na si Teodorico. Dahil dito, pinag-aaralan kung ang mga impormasyon ng espiritu ay tumutugma sa police report kaugnay sa  pagkawala ng biktima.

vuukle comment

BRGY

DAHIL

ILOCOS SUR

KINUMPIRMA

NAGSANGALAN

NANG

PINUGUTAN

TEODORICO ALCANTARA

VIGAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with