^

Probinsiya

2 BIFFs todas sa bakbakan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng Bangsamoro  Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napaslang habang walong sibilyan at dalawang sundalo naman ang nasugatan makaraang sumiklab ang panibagong sagupaan sa pagitan ng mga armadong rebelde at ng tropa ng militar sa Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.

Sinabi ni Col. Dickson Hermoso, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, nag-umpisa ang bakbakan kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng umaga kung saan naging bahagi ng opensiba ng militar laban sa BIFF rebs sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha.

Sa nasabing sagupaan ay napatay ang dalawang BIFF habang walong sibil­yan ang nasugatan matapos na tamaan ng ligaw na mga bala.

Bandang alauna naman ng madaling araw kahapon nang masugatan ang dalawang sundalo sa pag-atake ng grupo ng BIFF sa Barangay Dambalas, bayan ng Datu Piang  at Barangay Gantang sa Shariff Saydona.

Ayon sa opisyal, tinatangka ng BIFF fighters na bawiin ang kanilang kampo na nakubkob ng militar kaya sumiklab ang bakbakan laban sa tropa ng mga sundalo.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY DAMBALAS

BARANGAY GANTANG

DATU PIANG

DICKSON HERMOSO

INFANTRY DIVISION

ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

SHARIFF SAYDONA

SHARIFF SAYDONA MUSTAPHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with