^

Probinsiya

Laguna may P1B utang noong hawak ni ER Ejercito

The Philippine Star

MANILA, Philippines — Maraming kuwestiyonableng paggamit ng pondo ang sinisiyasat ng bagong luklok na gobernador ng lalawigan ng Laguna matapos makuha ang puwesto sa napatalsik na si ER Ejercito.

Sinabi ni Ramil Hernandez na may P1 bilyong utang ang lalawigan dahil sa mga hiniram ni Ejercito, base sa report ng Commission on Audit.

"Walang masamang mangutang, kahit sa local government, walang masamang mangutang pero dapat yung inutang mo, inilagay mo sa maganda. titingnan po namin, kunwari overspending, na-copy furnish po ako ng COA so maraming unliquidated dun talaga, maraming unexplained use of fund," wika ni Hernandez sa kanyang panayam sa telebisyon ngayong Miyerkules.

Napatalsik sa puwesto si Ejercito dahil sa labis na paggastos noong panahon ng pangangampanya para sa eleksyon 2013.

Lumabas sa 2012 audit report ng COA na may mga kulang sa pagbabalanse ng gastos sa inventories, land, property, plant at equipment accounts ng kapitolyo ng Laguna.

Duda rin ang mga state auditors sa pagkuha ng consultants na nagkakahalaga ng P7.3 milyon, habang hindi rin nagamit ang Priority Development Assistance Funds na nagkakahalaga ng P35.8 milyon.

Samantala, inamin ni Hernandez na ipinatangga niya ang mga larawan at banner ni Ejercito sa kapitolyo upang hindi aniya magkalituhan.

"Dapat ang chain of command dapat manggaling sa akin as governor. Kapag na confused ang employees, 'pag na confuse ang mga tao, makakaapekto 'yon sa trabaho. So to avoid confusion kailangan makita nila na yung in-appoint talaga ng law, yun ang naga-assume," sabi ng bagong gobernador.

vuukle comment

DAPAT

DUDA

EJERCITO

HERNANDEZ

KAPAG

LUMABAS

MARAMING

MIYERKULES

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUNDS

RAMIL HERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with