^

Probinsiya

7 kidnapper timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga awtoridad ang pitong pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na kidnap for ransom (KFR) gang na res­ponsable sa pagdukot sa nasagip na anak na dalaga ng isang mayamang negosyante sa isinagawang serye ng operas­yon sa Tandag City, Surigao del Sur, ayon sa opisyal kahapon.

Sa inisyal na report ng CARAGA Regional Police Office mula sa Tandag City Police, isa sa mga suspek ay nakila­lang si Alexander Bentoso, 44 anyos, may kasong murder at frustrated murder ng San Francisco, Agusan del Sur. Ang anim na iba pa ay pansamantalang hindi muna pinangalanan habang isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon.

Ang mga suspek ay itinuturong nasa likod ng pagdukot noong nakalipas na linggo sa biktimang si Susmita Saberon, 22 anyos, anak ng isang mayamang negosyante sa lalawigan.

Sinabi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, unang nasakote si Bentoso noong Miyerkules Santo ng hapon matapos itong maaksidente habang lulan ng kulay itim na Honda XRM motorcycle sa Brgy. Mabua , Tandag City.

Ang suspek ay dinala sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City kung saan itinurnover ng security guard kamakalawa sa mga traffic investigator ang bag nito na nadiskubreng naglalaman ng P30, 500 cash na nag-match sa ibinayad na bahagi ng ransom ng pamilya Saberon.

Nahuli naman ang mga suspek sa follow-up operation at nailigtas ang biktima.

 

vuukle comment

ADELA SERRA TY MEMORIAL MEDICAL CENTER

ALEXANDER BENTOSO

MARTIN GAMBA

MIYERKULES SANTO

POLICE SPOKESMAN SUPT

REGIONAL POLICE OFFICE

SAN FRANCISCO

SUSMITA SABERON

TANDAG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with