^

Probinsiya

22 pasahero tinaga ng lasing sa terminal

-
Mistulang sinapian ng masamang espiritu ang isang lasing na lalaki matapos itong mag-amok at walang habas na pagtatagain ang humigit kumulang na 22 pasahero na kinabibilangan ng 8 boy scouts sa isang ferry terminal sa Surigao City kamakalawa.

Ang mga nasugatan ay nakilalang sina Socorro Mapati, 45; Teresita dela Cruz, 44; Herardo Egot, 31; Nestor Versosa, 37; Danilo Macion, 41; Cris Uballas,24; Manuel Misoles, 36; Arizona Matbas, 36; Bernardita Olasa,18; Jess Tagarao; Philip Evangelista; Preciosa Limawasa,70; Manuel Mangomas at mga boy scouts na sina Edwin Debrano,12; Romjay Jaralve, 12; Ralph Abad,15; Sherwin Melihor,16; Jeff Brando,11; Al Sigfred,10; John Burgos,15 at Cons Pangarao,14.

Sa inisyal na imbestigasyon,kasalukuyang naghihintay ng masasakyang ferry ang mga biktima sa ikalawang palapag ng Lipata Ferry Terminal nang bigla na lamang umanong nagwala ang suspek na nakilalang si Dalmacio Abad ng Kababayan, Bontoc, Southern Leyte na umano ay nasa impluwensiya ng alak.

Tangan ang isang bolo at nanlilisik ang mga mata nang pagtatagain nito ang mga biktima na ang karamihan sa mga ito ay natutulog.

Sinabi ng mga biktima na may ibinubulong na masamang kataga ang suspek nang sila ay pagtatagain.

Ang mga biktima ay dinala sa Caraga Regional Hospital habang ang suspek ay naaresto matapos itong masukol sa loob ng pinagtataguan nitong comfort room. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AL SIGFRED

ARIZONA MATBAS

BERNARDITA OLASA

CARAGA REGIONAL HOSPITAL

CONS PANGARAO

CRIS UBALLAS

DALMACIO ABAD

DANILO MACION

EDWIN DEBRANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with