Height requirement sa nais maging pulis nanatili
MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng National Police Commission na nanatili pa rin ang height requirements kaugnay ng recruitment ng mga nais mapabilang sa 185,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng napaulat na tinanggal na ang height requirement na 5’4” sa lalaki at 5’2” naman sa babae.
Ayon sa naglabasang balita 5’2” na lamang sa lalaki at 5’0” talampakan sa babae ang isa sa mga pangunahing rekisitos.
“The National Police Commission (NAPOLCOM) clarifies that the removal of the height requirement is only for the purpose of taking the PNP Entrance Exanmination, and not for PNP Recruitment purposes,” ayon sa NAPOLCOM.
Idinagdag pa ng NAPOLCOM na ang pagpasa sa PNP Entrance Examination ay hindi garantiya na automatic entry sa PNP force at sa halip ang mga nakapasa sa kuwalipikasyon sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act No. 8551 ang kuwalipikadong makakuha ng appointment para maging miyembro ng PNP.
- Latest