^

Police Metro

Abu na namugot ng ulo, arestado

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng 17 taong pagtatago sa batas ay naaresto ng mga militar sa Zamboanga City ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na responsable sa pamumugot sa ulo ng dalawang manggagawa noong 2001 sa Basilan.

Ang suspek ay kinila­lang  si Faizal Attong Sariul, alyas Ziad, 38, na positibong itinuro ng mga testigo na siyang namugot kina Primitivo Falcasantos at Crisanto Suela na manggagawa ng Golden Harvest na isang kumpanya na nagpapatakbo ng niyog at rubber plantation sa Lantawan, Basilan.

Ang dalawang manggagawa ay pinugutan ng ulo noong Hunyo 12, 2001 ni Sairul na noon ay 17-anyos pa lamang.

Ayon kay Senior Supt. Fergen Torred, pinuno ng Western Mindanao Police Intelligence Division na si Sariul ay 17 taong nagtatago sa batas bago siya maaresto sa Mercedes Village, Zamboanga City sa bisa ng warrant of arrest.

Inilagay pa ng tero­ristang grupo ang ulo ng mga biktima sa isang kahon para ipahiya ang noon ay presidente at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo at iniwan sa bayan ng Lantawan, Basilan para marami ang makakita nito.

Ilang linggo ang nakalipas ay sinunod naman na pugutan ang bihag nilang American national na si Guillermo Sobero bilang panunuya kay Arroyo at sa militar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with